Koiné's SCHOLARSHIP PROGRAM
Tumatanggap na ng mga bagong scholars
mula Jan17-Feb15, 2007!
Di katulad ng iba, 'pag sinabi naming libre; libre ngang talaga!
Inaanyayahan namin ang mga batang mahihirap na mahilig sumayaw, kumanta at umarte (6-16 years old) na sumali sa aming summer program! Magparehistro muna kayo sa SM North Edsa, ang aming booth ay malapit sa Mcdo at Cinderella. May gagawing maikling interview sa inyo sa booth (wala namang kailangan dalahin-- maari din ang mga magulang lang ang magpatala ng kanilang mga anak). Pagkatapos nito, tatawagan namin kayo para sa isang audition at para sabihin sa inyo kung saan ang venue para sa training. Ang audition ay isang jogging na nakakapagod--para matignan ang disiplina ng aplikante (kaya mag-rubber shoes at wag mag palda). Kung sakaling makapasa sa audition, bibisitahin namin ang inyong bahay para tignan kung mahirap nga talaga kayo.
Ginagawa namin ito, para tulungan ang mga mahihirap magkaroon ng fighting chance para maging artista.
MISSION STATIONS: Koiné umaasang mas marami ng matutulungan!
Kasama ng mga elite scholars ng Koiné, magtutungo si Direq Niel sa Payatas at Smokey Mountain para magtungo ng libreng mga klase sa sining ng pagtatanghal (e.g. Acting, Voice, Hiphop, Ballet etc.). Kung nais ninyo ang Koiné magturo sa kabataan ng inyong Barangay o Parokya, huwag po kayong magatubiling makipag-ugnayan sa aming tanggapan ang aming numero ay 6456360 o di kaya 09179726514.